Dear katropa,
ang sweet ng gf ko ngayon.
bago kami matulog nilalagyan ko niya ko ng plastik sa mukha.
pag di na ako makahinga tinatanggal na niya.
proud ako sa kaniya! kasi siya nagturo sa kin magtipid.
kapag nga kumakain kami sa labas,
ulam niya porkchop,
ako ketchup.
nakakatuwa pa sa kaniya,
di siya nghihingi ng pera,
kusa na lang siya kumukuha sa wallet ko.
kaso hiwalay na kami.
yung mga kaibigan ko kasi,
siniraan siya.
malikot daw kamay,
siya lang naman nagpupunta sa bahay ko,
nawala pa yung ref.
inisip ko naman baka namisplace ko lang.